Pagpupugay sa mga sundalo ng pailaw

Matagumpay na ipinagdiwang ng SOCOTECO-I kasama ang 120 electric cooperatives sa buong bansa, kaalyadong organisasyon kabilang ang PHILRECA, RECOBODA, APEC at Ako Padayon Party-lists ang pagpupugay sa ating mga sundalo ng pailaw o lineworkers ngayong araw, Agosto 3, 2020.

Ang pagdiriwang na ito ay upang pasalamatan at bigyang halaga ang katapangan at mahahalagang kontribusyon ng mga lineworkers na sila ring kinikilalang katuwang na mga sundalo sa adbokasiya upang makamit ang total rural electrification.

Bilang pagpupugay, nagsagawa ng isang makabuluhang programa ang PHILRECA upang maisulong ang kaligtasan sa pamamagitan ng Webinar on Safety Measures for Linemen.

Isa-isang nagbigay mensahe at pasasalamat si Admin. Edgardo R. Masongsong ng National Electrification Administration (NEA), Power bloc representatives na sina Presley C. De Jesus (PHILRECA), Sergio C. Dagooc (APEC), Godofredo N. Guya (RECOBODA), and Adriano A. Ebcas at Atty. Janeene Depay-Colingan, Executive Director and General Manager ng PHILRECA sa lahat ng tulong, kontribusyon at sakripisyo sa kabila nang mga kalamidad at kasalukuyang nagpapatuloy na banta ng pandemya.

Mula sa kooperatiba, nagbigay din ng mensahe sina Benzon Liza, at Ric Agudo, Lineman II ng kanilang mga karanasan, hamon at kasiyahan sa trabaho bilang inspirasyon sa buong kooperatiba. Ang mga fallen heroes o mga nawalan ng buhay habang nagseserbisyo ay binigyang halaga din sa pamamagitan ng taimtim na panalangin at pag-alala.

Binigyang halaga naman ni Dir. Mario A. Mondejar, Board President at Atty. Ricardo C. Orias, Jr., Project Supervisor / Acting General Manager seguridad at kaligtasan ng bawat isa habang nasa trabaho. Sinisigurado ng kooperatiba na magkakaroon ng dagdag na mga kagamitan (safety equipment) na ibibigay upang mapangalagaan ang buhay ng bawat lineman habang nagseserbisyo sa sakop nito.

Ang pagdiriwang ng Linemen Appreciation Day sa kaunaunahang pagkakataon ay isang makabuluhang pagpupugay sa ating mga linemen na katuwang natin sa pagpapalago ng ating ekonomiya at ng ating bansa sa kabuuan.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*
*