27, 239 lifeline MCOs, libre ang kuryente

Masayang ibinabahagi ng #SOCOTECO-I ang matagumpay na pag-papatupad ng #Pantawid Liwanag Program para sa billing months Marso at Abril kung kailan ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ito ay nakapag-bigay tulong sa higit kumulang 27, 239 lifeline member-consumer-owners (MCOs) mula sa inilaang 1.198Million na pondo ng SOCOTECO-I at ONE EC Network Foundation.

Ang mga ‘residential lifeline consumers’ ay mga piling konsumidores na nabibilang sa poverty level o mga higit na mahihirap nating mga kababayan. At sa pagtatala ng SOCOTECO-I sila ang mga konsumidores na may hindi hihigit sa 15kWh ang konsumo sa kuryente.

Ang programang ito ay bilang pakikiisa ng SOCOTECO-I kasama ang ONE EC MOVEMENT at Recoboda Party List sa ating mga MCOs upang matugunan at maibsan ang hirap na dinaranas ng ating bayan dulot ng banta ng Covid-19.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*
*