Merry Faces in Pedia Ward

 

Kabilang ang mga batang pasyente sa Pedia Ward ng Provincial Hospital ng South Cotabato sa nabigyan ng maagang regalo ng SOCOTECO-1 sa taon-taong tradisyon nito ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa tuwing pumapatak ang buwan ng Disyembre.

Sa unang araw ng Disyembre, parte ng “one-month long” Christmas celebration ng SOCOTECO-I katuwang ang SOCOTECO-I Foundation Inc. ang pagtulong-tulong ng mga Board of Directors sa pagpinta ng iba’t ibang cartoon characters sa ding-ding ng Pedia Ward sa layuning gawin itong mas makulay at maaliwalas para sa mga batang pasyente. Ang pagpinta ng naturang mga characters ay para makapagbigay ng kasiyahan sa mga kabataang may sakit, kahalintulad ng nasa children’s park. Hango sa tema ngayong year 2017 na “Merry Faces of Christmas”, nagkaroon ng face painting sa mga bata kung saan nagpinta ng masasayang imahe tulad ng Mickey Mouse, Hello Kitty at iba pa sa kanilang mukha. Nabusog din sila ng libreng pakain at labis ang kanilang galak at palakpakan sa Christmas carol na hinandog ng SOCOTECO-I Choir.

Isa sa mga batang pasyenteng naroon ay si Charmaine Ferrariz, 5 years old, may cleft palate at congenital heart disease mula pagkabata at residente ng Brgy. GPS, City of Koronadal. Ayon kay Vivian Grace Ferrariz, ina ni Charmaine, pabalik-balik sila ng Provincial Hospital para matugunan ang medical na pangangailangan ng kanyang anak. “Salamat kay nalipay man siya sa ginhatag ninyo”, ang mensahe ni Vivian patungkol sa activity na ito ng SOCOTECO-I. Bagamat malabong makapag-celebrate ang mag-ina ng pasko sa kanilang tahanan, masaya pa rin sila na nakatanggap ng maagang pamasko sa Pedia Ward sa tulong na din ng SOCOTECO-I.

 

 

 

 

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*
*